Zefanias 3:4
Ang kaniyang mga propeta ay walang galang at taksil na mga tao! Nilapastangan ng kaniyang mga pari ang banal at gumawa ng karahasan sa batas!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 2:22Ngayon napakatanda na ni Eli; narinig niya ang lahat ng ginagawa ng kanyang mga anak na lalaki sa buong Israel, at kung paano nila sinipingan ang mga kababaihan na naglilingkod sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.
Isaiah 56:10Lahat ng kanilang mga bantay ay mga bulag; hindi sila nakakaunawa; silang lahat ay mga asong pipi; sila ay hindi makatahol; nananaginip, nakahiga at mahilig matulog.
Jeremiah 6:13Sapagkat mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa sa kanila ay makasarili para sa hindi tapat na kapakinabangan. Mula sa propeta hanggang sa pari, ang bawat isa sa kanila ay nandaraya.
Jeremiah 14:13At sinabi ko, “O, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Sinasabi ng mga propeta sa mga tao, 'Hindi kayo makakakita ng espada, walang taggutom para sa inyo, sapagkat bibigyan ko kayo ng tunay na katiwasayan sa lugar na ito.”'
Jeremiah 23:10Sapagkat ang lupain ay puno ng mga mangangalunya. Dahil sa mga ito ang lupain ay tumatangis. Ang mga parang sa ilang ay natuyo. Ang mga landas ng mga propetang ito ay masama; ang kanilang kapangyarihan ay hindi ginamit sa tamang paraan.
Jeremiah 23:25Narinig ko kung ano ang sinabi ng mga propeta, doon sa mga nagpapahayag ng may panlilinlang sa aking pangalan. Sinabi nila, 'Mayroon akong isang panaginip! Mayroon akong isang panaginip!'