2 Chronicles 5:10
Walang laman ang kaban maliban sa dalawang tapyas ng bato na inilagay roon ni Moises sa Horeb noong si Yahweh ay gumawa ng kasunduan sa mga tao ng Israel nang makalabas sila sa Ehipto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:5Ngayon pagkatapos, kung susundin at pakikinggan ninyo ang aking tinig at iingatan ang aking kasunduan, kung gayon, magiging katangi-tanging pag-aari kita mula sa lahat ng mga tao, dahil ang buong daigdig ay akin.
Exodus 31:18Nang matapos makipag-usap ni Yahweh kay Moises sa bundok ng Sinai, binigyan niya siya ng dalawang tipak ng bato ng tipan ng mga kautusan, gawa sa bato, nakasulat sa pamamagitan ng kaniyang sariling kamay.
Exodus 32:19Nang dumating si Moises sa kampo, nakita niya ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Siya ay lubhang nagalit. Itinapon niya ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang mga kamay, at nabiyak ang mga ito sa ibaba ng bundok.
Exodus 40:20Kinuha niya ang mga tipan ng kautusan at inilagay ito sa loob ng kaban. Inilagay niya din ang mga baras sa kaban at inilagay ang takip ng luklukan ng awa doon.
Deuteronomy 29:1Ito ang mga salita na inutos ni Yahweh kay Moises na sabihin sa mga tao ng Israel sa lupain ng Moab, mga salita na idinagdag sa tipan na kaniyang ginawa sa kanila sa Horeb.
2 Chronicles 6:11Inilagay ko ang kaban doon, kung saan naroon ang kasunduan ni Yahweh, na ginawa niya kasama ang mga tao ng Israel.”