2 Chronicles 5:11
Nangyari na ang mga pari ay lumabas mula sa dakong banal. Inilaan ng lahat ng mga paring naroon ang kanilang mga sarili kay Yahweh; pinangkat sila ayon sa kanilang pagkakabaha-bahagi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:10Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Puntahan mo ang mga tao. Ngayon at bukas kailangan mong ihandog sila sa akin at hugasan nila ang kanilang mga damit.
1 Chronicles 15:14Kaya ang mga pari at ang mga Levita ay inilaan ang kanilang mga sarili upang buhatin ang kaban ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
2 Chronicles 29:5Sinabi niya sa kanila, “Makinig kayo sa akin, kayong mga Levita! Italaga ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh, at italaga ninyo ang tahanan ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, at inyong alisin ang karumihan mula sa banal na lugar.
2 Chronicles 29:34Ngunit kakaunti ang bilang ng mga pari upang balatan ang lahat ng mga alay na susunugin, kaya tinulungan sila ng mga kapatid nilang mga Levita, hanggang matapos ang gawain, at hanggang sa maitalaga ng mga pari ang kanilang mga sarili kay Yahweh, sapagkat higit na maingat ang mga Levita sa pagtatalaga ng kanilang mga sarili kaysa sa mga pari.
2 Chronicles 30:17Dahil marami ang naroroon sa kapulungan na hindi itinalaga ang kanilang mga sarili kay Yahweh, kaya ang mga Levita ang namahala sa pagkakatay ng korderong pampaskwa para sa lahat ng hindi nakapaglinis upang ilaan ang kordero kay Yahweh.
2 Chronicles 35:6Katayin ninyo ang mga tupang pampaskwa at ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh. Ihanda ninyo ang mga tupa para sa inyong mga kapatid na mga Israelita. Gawin ninyo iyon bilang pagsunod sa salita ni Yahweh na ibinigay kay Moises.”