2 Chronicles 5:2
Pagkatapos, tinipon ni Solomon sa Jerusalem ang mga nakatatanda ng Israel, ang lahat ng mga pinuno ng mga lipi, at ang mga pinuno ng mga angkan ng mga tao sa Israel, upang kunin ang kaban ng tipan ni Yahweh mula sa lungsod ni David, ang Zion.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 10:33Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw mula sa bundok ni Yahweh. Nauna sa kanila ang kaban ng tipan ni Yahweh nang tatlong araw upang maghanap ng lugar na maaari nilang mapagpahingahan.
2 Samuel 5:7Gayunpaman, nasakop ni David ang kuta ng Sion, na ngayon ay lungsod na ni David.
1 Kings 8:1Pagkatapos ay tinipon ni Solomon ang mga nakatatanda ng Israel, ang lahat ng pinuno ng mga tribo, at mga pinuno ng mga pamilya ng bansang Israel, sa harap ng kaniyang sarili sa Jerusalem, upang dalhin ang arko ng tipan ni Yahweh mula sa lungsod ni David, na ang, Zion.
1 Chronicles 15:3Pagkatapos, ang lahat ng Israel ay tinipon ni David sa Jerusalem upang dalhin ang kaban ni Yahweh sa lugar na kaniyang inihanda para dito.
1 Chronicles 15:25Kaya pumunta sina David, ang mga nakatatanda sa Israel at ang mga pinuno sa libu-lubo upang ilabas sa bahay ni Obed-edom ang kaban ng tipan ni Yahweh na may kagalakan.
1 Chronicles 24:6Isinulat ni Semaias na anak ni Netanel na eskriba, na isang Levita, ang kanilang mga pangalan sa harapan ng hari, ng mga opisyal, ni Zadok na pari, ni Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pari at mga Levitang pamilya. Isang angkan ang napili sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga kaapu-apuhan ni Eleazar, at ang susunod ay pipiliin sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga kaapu-apuhan ni Itamar.