Acts 13:32
Kaya dala namin sa inyo ang magandang balita tungkol sa mga pangakong ibinigay sa ating mga ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And we declare unto you glad tidings, how that the promise which was made unto the fathers,
In Context
Cross References
Genesis 12:3Pagpapalain ko ang magpapala sa iyo, pero sinuman ang maninira sa iyo ay susumpain ko. Sa pamamagitan mo, ang lahat ng mga pamilya sa buong mundo ay pagpapalain.”
Genesis 26:4Pararamihin ko ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay sa iyong mga kaapu-apuhan ang lahat na mga lupaing ito. Sa pamamagitan ng iyong mga kaapu-apuhan ang lahat ng bansa sa lupa ay pagpapalain.
Deuteronomy 18:15Magtatatag si Yahweh na inyong Diyos ng isang propeta para sa inyo na mula sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, katulad ko. Dapat kayong makinig sa kaniya.
Isaiah 9:6Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Isaiah 40:9Umakyat ka sa mataas na bundok Sion, tagapagdala ng mabuting balita; buong lakas mong itaas ang iyong tinig, ipahayag mo sa Jerusalem ang mga mabuting balita. Sumigaw ka nang malakas; huwag kang matakot. Sasabihin mo sa mga lungsod ng Juda, “Narito ang inyong Diyos!”
Isaiah 52:7Kay ganda sa mga kabundukan ang mga paa ng mensahero na nagdadala ng mabuting balita, na siyang nagpapahayag ng kapayapaan, na nagdadala ng mga mabuting balita, na nagpapahayag ng kaligtasan, na sinasabi sa Sion, “Ang Diyos ninyo ay naghahari!”