Acts 17:29
Dahil tayo ay anak ng Diyos, hindi natin dapat isipin na ang pagkadiyos ay tulad ng ginto o pilak o mga batong nilikha ng kaisipan ng tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:4Natanggap niya ang ginto mula sa kanila, niyari ito sa isang molde, at ginawa ito sa isang minoldeng guya. Pagkatapos sinabi ng mga tao, “Israel, ito ang inyong diyos na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.”
Psalms 106:20Ipinagpalit nila ang kaluwalhatian ng Diyos para sa larawan ng isang toro na kumakain ng damo.
Isaiah 40:12Sino ang sumukat ng katubigan sa guwang ng kaniyang palad, sinukat ang lapad ng himpapawid, hinawakan ng alikabok ng mundo sa isang sisidlan, timbangin ang mga kabundukan o ang mga burol sa timbangan?
Isaiah 44:9Silang nagbibigay anyo sa diyus-diyosan ay walang halaga; at ang mga bagay na kanilang kinatutuwaan ay walang saysay; ang kanilang mga saksi ay hindi nakakikita o nakakaalam ng anumang bagay, at sila ay malalagay sa kahihiyan.
Jeremiah 10:4Pagkatapos, pinapalamutian nila ito ng pilak at ginto. Pinatitibay nila ito gamit ang martilyo at mga pako upang hindi ito bumagsak.
Romans 1:20Sapagkat ang kaniyang likas na hindi nakikita ay malinaw na nakikita simula pa noong likhain ang mundo. Nauunawaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga nilikhang bagay. Ang mga likas na ito ay ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at ang kaniyang pagka-Diyos. Kung kaya, ang mga taong ito ay walang maidadahilan.