Acts 5:40
Pagkatapos pinapasok nila ang mga apostol at sila ay binugbog at inutusang huwag nang magsalita sa pangalan ni Jesus at hinayaan silang umalis.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 30:10Sinasabi nila sa mga manghuhula, “Huwag kayong manghula”, at sa mga propeta, “Huwag kayong magpahayag sa amin ng tuwirang katotohanan; magsabi kayo sa amin ng mga bagay na magandang pakinggan; magpahayag ng mga panlilinlang;
Micah 2:6“Huwag kayong magpahayag ng propesiya,” sinasabi nila. “Hindi nila dapat ipahayag ang mga bagay na ito, hindi dapat dumating ang kahihiyan.”
Matthew 23:34Kaya, tingnan ninyo, magsusugo ako ng mga propeta, mga pantas, at mga eskriba. Ang iba sa kanila ay papatayin ninyo at ipapako sa krus. At yung iba sa kanila hahagupitin ninyo sa mga sinagoga ninyo at hahabulin ninyo sila saang lungsod man sila.
Luke 20:10Nang dumating ang takdang panahon, pinapunta niya ang kaniyang utusan sa mga magtatanim ng ubas, upang siya ay bigyan nila ng bunga ng ubasan. Ngunit binugbog siya ng mga magtatanim ng ubas, at pinaalis siyang nang walang dala.
Acts 4:17Ngunit upang hindi ito kumalat pa sa mga tao, bigyan natin sila ng babala na huwag magsasalita kaninuman sa pangalang ito.”
2 Corinthians 11:24Mula sa mga Judio nakatanggap ako ng limang “apatnapung latigo binawasan ng isa”.