Amos 4:9
“Pahihirapan ko kayo ng pagkalanta at amag. Marami sa inyong mga halamanan, ng inyong mga ubasan, ng inyong mga puno ng igos at olibo—kakainin silang lahat ng balang. Gayunpama'y hindi pa rin kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:22Sasalakayin kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng mga nakakahawang karamdaman, ng lagnat, ng pamamaga, at ng tagtuyot at sobrang kainitan, at ng mga malalakas na hangin at amag. Hahabulin nila hanggang kayo ay mapuksa.
1 Kings 8:37Ipagpalagay na mayroon taggutom sa lupain, o ipagpalagay na mayroon sakit, pagkalanta o pagkabulok, mga balang o mga uod; o ipalagay na ang tarangkahan ng lungsod sa kanilang lupain ay sinugod ng kaaway, o mayroong kahit anong salot o pagkakasakit —
Job 36:8Gayunman kapag nakagapos sila sa kadena, at kung nahuli sila ng mga lubid ng paghihirap,
Isaiah 9:12mga Arameo sa silangan, at ang mga Filisteo sa kanluran. Lalapain nila ang Israel nang may nakabukang bibig. Dahil sa kanyang galit hindi hihinto si Yahweh, at nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
Jeremiah 3:10At pagkatapos ng lahat ng ito, hindi bumalik sa akin nang buong puso ang taksil niyang kapatid na Juda, kundi isang kasinungalingan! Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Hosea 11:5Hindi ba sila babalik sa lupain ng Egipto? Hindi ba mamumuno ang Asiria sa kanila dahil tumanggi silang bumalik sa akin?