Deuteronomy 16:2
Iaalay ninyo ang Paskua para kay Yahweh na inyong Diyos gamit ang ilan sa mga kawan at mga alagang hayop sa lugar na pipiliin ni Yahweh bilang kaniyang santuwaryo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:5Ang inyong tupa o batang kambing ay dapat walang kapintasan, isang taong gulang na lalaki. Maaari ninyong kunin ang isa sa tupa o mga kambing.
Numbers 28:19Gayunman, dapat kayong mag-alay ng isang handog na ipinaraan sa apoy, isang alay na susunugin para kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na isang taong gulang, na walang kapintasan.
Deuteronomy 12:11pagkatapos mangyayari ito sa lugar kung saan piliin ni Yahweh na inyong Diyos doon na manirahan ang kaniyang pangalan, doon dalhin ninyo ang lahat ng iniutos ko sainyo: ang inyong mga sinunog na handog, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, at lahat ng inyong piling handog para sa mga panata na inyong ipapangako kay Yahweh.
Deuteronomy 12:18Sa halip, kakainin ninyo ang mga ito sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong anak na lalaki, anak na babae, ang mga lingkod na lalaki, mga lingkod na babae, at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan; magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa lahat ng bagay kung saan inilagay ninyo ang inyong kamay.
Deuteronomy 15:20Dapat ninyong kainin ang panganay na lalaki sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos taon-taon sa lugar na pipiliin ni Yahweh, kayo at ng inyong sambahayan.
Matthew 26:2“Alam ninyo na pagkalipas ng dalawang araw darating ang Paskua, at ang Anak ng Tao ay ibibigay upang maipako sa krus”.