Ang Mangangaral 3:12
Alam ko na walang mabuti sa isang tao maliban sa magsaya at gumawa nang kabutihan habang siya ay nabubuhay—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
I know that there is no good in them, but for a man to rejoice, and to do good in his life.
In Context
Cross References
Psalms 37:3Magtiwala ka kay Yahweh at gawin kung ano ang matuwid; tumira ka sa lupain at gawin mong tungkulin ang katapatan.
Ecclesiastes 3:22Kaya muli kong naunawaan na walang mainam sa kahit na sinong tao kundi magalak sa kaniyang gawain, dahil ito ang kaniyang bahagi. Sino ang maaaring magpabalik sa kaniya upang maipakita kung ano ang magaganap pagkatapos niya?
Ecclesiastes 9:7Humayo ka, masaya mong kainin ang tinapay mo, at inumin ang alak mo nang may masayang puso, dahil pinapayagan ng Diyos ang pagdiriwang ng mga mabubuting gawa.
Isaiah 64:5Dumarating ka para tulungan ang mga nagagalak na gumawa kung ano ang tama, sila na nakakaalala ng iyong mga paraan at sumusunod sa mga ito. Nagalit ka ng kami ay nagkasala. Sa iyong mga paraan lagi kaming maliligtas.
Acts 20:35Sa lahat ng bagay nagbigay ako ng halimbawa kung paano ninyo dapat tulungan ang mga mahihina sa pamamagitan ng pagtratrabaho at kung paano ninyo dapat maalala ang salita ng Panginoong Jesus, mga salita na siya mismo ang nagsabi: “Mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.”
1 Thessalonians 5:15Siguraduhin ninyo na walang sinuman ang gaganti ng masama para sa masama sa sino man. Sa halip, pagsikapang matamo ang makakabuti sa bawat isa at para sa lahat.