Ecclesiastes 3:13
at ang bawat isa ay dapat kumain at uminom, at dapat maunawaan kung paano matuwa sa kabutihang nagmumula sa lahat ng kanyang ginawa. Ito ay isang kaloob mula sa Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:30Ipagkakasundo kayo sa isang babae, pero kukunin siya ng ibang lalaki at pipilitin siyang sumiping sa kaniya. Magtatayo kayo ng isang bahay pero hindi maninirahan doon; magtatanim kayo ng isang ubasan pero hindi matatamasa ang bunga nito.
Judges 6:3Nangyari na kapag ang mga Israelita ay nagtanim ng kanilang mga pananim, ang mga Midianita at ang mga Amalekita at ang mga taong mula sa silangan ay sasalakay sa mga Israelita.
Ecclesiastes 2:24Walang mabuti sa isang tao maliban lamang sa kumain at uminom at masiyahan sa kung ano ang mabuti sa kaniyang ginagawa. Nakita ko na ang katotohanang ito ay nagmumula sa kamay ng Diyos.
Ecclesiastes 6:2Maaaring magbigay ang Diyos ng kayamanan, kasaganaan at karangalan sa isang tao upang hindi siya magkulang sa mga hinahangad niya para sa kaniyang sarili, ngunit pagkatapos, hindi ibibigay ng Diyos ang kakayahan upang magsaya sa mga ito. Sa halip, iba pa ang makikinabang ng kaniyang mga kagamitan. Ito ay parang singaw, isang masamang kalungkutan.
Isaiah 65:21Magtatayo sila ng mga bahay at titirahan ang mga ito, magtatanim sila sa mga ubasan at kakainin ang mga bunga nito.