Exodo 31:14
Kaya dapat ninyong panatiliin ang Araw ng Pamamahinga, para dapat ninyong ituring ito bilang banal, na nakalaan para sa kaniya. Bawat isa na dumungis dito ay dapat talagang mamatay. Kung sinuman ang gumagawa sa Araw ng Pamamahinga, ang taong iyan ay tiyak na dapat putulin mula sa kaniyang bayan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 30:33Ang sinumang gumawa ng pabango gaya nito, o kung sinumang maglagay ng alinman nito sa isang tao, ang taong iyon ay dapat alisin sa kaniyang bayan.”
Exodus 35:2Sa ikaanim na araw ang lahat ng gawain ay maaaring nagawa na, ngunit sa inyo, ang ikapitong araw ay dapat na banal na araw, ang Araw ng Pamamahinga ng ganap na pamamahinga, na banal kay Yahweh. Ang sinumang gagawa ng anumang gawain sa araw na iyon ay papatayin.
Numbers 15:35Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dapat patayin ang lalaki. Dapat siyang batuhin ng buong sambayanan sa labas ng kampo.”
Nehemiah 9:14Pinaalam mo ang iyong Banal na Pamamahinga sa kanila, at binigyan mo sila ng mga kautusan at alituntunin at batas sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.
Isaiah 58:13Ipagpalagay ninyo na tumalikod kayo mula sa paglalakbay sa Araw ng Pamamahinga, at mula sa ginagawa ninyong sariling kasiyahan sa aking banal na araw. Ipagpalagay ninyo na ang Pamamahinga ay tinatawag ninyong isang kasiyahan, at tinatawag ninyo na banal at pinarangalan ang mga bagay ni Yahweh. Ipagpalagay ninyo na pinararangalan ninyo ang Araw ng Pamamahinga sa pamamagitan ng pag-iwan ng inyong sariling negosyo, at sa pamamagitan ng hindi paghahanap ng sarili ninyong kasiyahan at sa pamamagitan ng hindi pagsasalita ng sarili ninyong mga salita.
Ezekiel 20:16Isinumpa ko ito dahil tinanggihan nila ang aking mga alituntunin at hindi sila lumakad sa aking mga kautusan, at nilapastangan nila ang aking mga Araw ng Pamamahinga, sapagkat lumakad ang kanilang puso batay sa kanilang mga diyus-diyosan.