Exodus 32:29
Sinabi ni Moises sa mga Levita, “Itinalaga kayo sa paglilingkod kay Yahweh sa araw na ito, dahil bawat isa sa inyo ay kumilos laban sa kaniyang anak na kaniyang kapatid na lalaki, kaya bibigyan kayo ni Yahweh ng pagpapala sa araw na ito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 25:11“Inalis ni Finehas na lalaking anak ni Eleazar na lalaking anak naman ni Aaron, na pari, ang aking galit sa mga tao ng Israel dahil mapusok siya sa aking adhikain sa kanila. Kaya hindi ko nilipol ang mga tao ng Israel sa aking matinding galit.
Deuteronomy 33:9Ang taong nagsasabi tungkol sa kaniyang ama at ina,” Hindi ko sila nakita.” Ni hindi niya kinilala ang kaniyang mga kapatid, ni hindi niya inangkin ang kaniyang sariling mga anak. Dahil binabantayan niya ang inyong salita at sinunod ang iyong tipan.
2 Chronicles 35:3Sinabi niya sa mga Levitang nagturo sa buong Israel, na tapat kay Yahweh, “Ilagay ninyo ang banal na kaban sa bahay na itinayo ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel. Huwag na ninyo itong buhatin sa inyong mga balikat. Ngayon ay sambahin ninyo si Yahweh, na inyong Diyos, at paglingkuran ang kaniyang sambayanang Israel.
Joel 2:12“Gayon pa man,” sinabi ni Yahweh, “Manumbalik kayo sa akin nang buong puso. Mag-ayuno kayo, tumangis at magdalamhati.”
Matthew 10:37Ang nagmamahal sa kaniyang ama at ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagmamahal sa kaniyang anak na lalaki at babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.