Exodus 35:21
Bawat isa na ang puso ay napukaw at ang kaniyang espiritu ay naging handang pumunta at nagdala ng handog kay Yahweh para sa paggawa ng tabernakulo, lahat ng bagay na gagamitin sa paglilingkod nito, at para sa banal na kasuotan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
20Pagkatapos ang lahat ng mga lipi ng Israel ay umalis mula sa harapan ni Moises.
Cross References
Exodus 25:2“Sabihin sa mga Israelita na kumuha ng isang handog para sa akin mula sa bawat tao na hinikayat ng maluwag sa kalooban. Dapat ninyong tanggapin ang mga handog na ito para sa akin.
Exodus 35:22Pumunta sila kasama ang mga lalaki at mga babae, lahat na may pusong handa. Nagdala sila ng mga panusok, mga hikaw, mga singsing, at mga palamuti, lahat ng uri ng gintong alahas. Iniharap nilang lahat ang mga alay na ginto kay Yahweh.
Exodus 35:29Ang mga Israelita ay kusang-loob na nagdala ng handog kay Yahweh; ang bawat lalaki at babae na may pusong handa ay nagdala ng mga kagamitan para sa lahat ng gawain na iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises na gagawin.
Judges 5:3Makinig sa akin, kayo mga hari! Magbigay pansin, kayong mga pinuno, ako ay aawit kay Yahweh; aawit ako ng mga papuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Judges 5:12Gising, gising, Debora! Gising, gising, umawit ng isang awitin! Bangon, Barak, at bihagin ang iyong mga bilanggo, ikaw anak ni Abinoam.
1 Chronicles 28:2Pagkatapos tumayo si haring David at sinabi, “Makinig kayo sa akin, mga kapatid at mga mamamayan. Layunin kong magtayo ng isang templo para sa kaban ng tipan ni Yahweh; isang tungtungan ng paa ng ating Diyos, at nakapaghanda na ako sa pagpapatayo nito.