Mga Hebreo 1:10
Noong simula, O Panginoon, inilagay mo ang pundasyon ng mundo. Ang kalangitan ay gawa ng iyong mga kamay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
11Ang mga ito ay mawawala, ngunit ikaw ay magpapatuloy. Silang lahat ay maluluma na parang kasuotan.
Cross References
Deuteronomy 4:19Maging maingat kayo kapag titingala kayo sa kalangitan at titingnan sa araw, buwan, o mga bituin—lahat ng mga hukbo sa kalangitan— maging maingat kayo na hindi mapalayo para sumamba at pakamahalin ang mga ito—ang mga bagay na iyon na itinalaga ni Yahweh na inyong Diyos doon para sa lahat ng mga tao na nasa ilalim ng buong himpapawid.
Psalms 19:1Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos, at ipinapaalam ng himpapawid ang ginawa ng kaniyang kamay!
Proverbs 8:29Naroon na ako nang ginawa niya ang hangganan para sa dagat, kaya ang katubigan ay hindi kumalat lagpas kung saan niya iniutos, at kung saan niya inutos ilagay ang mga pundasyon ng lupa.
Isaiah 48:13Oo, ang kamay ko ang naglagay ng pundasyon ng mundo, at ang aking kanang kamay ang naglatag ng kalangitan; kapag tinatawag ko sila, sama-sama silang tumatayo.
Isaiah 64:8Gayun pa man, Yahweh, ikaw ang aming ama, kami ang putik. Ikaw ang nagbigay hugis sa amin, at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.
Zechariah 12:1Ito ang pahayag ng salita ni Yahweh tungkol sa Israel— ang pahayag ni Yahweh na siyang lumikha ng kalangitan at nagtatag sa pundasyon ng mundo, siya na lumalang sa espiritu ng sangkatauhan sa loob ng tao: