Mga Hebreo 1:11
Ang mga ito ay mawawala, ngunit ikaw ay magpapatuloy. Silang lahat ay maluluma na parang kasuotan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
They shall perish; but thou remainest; and they all shall wax old as doth a garment;
In Context
Cross References
Psalms 29:10Si Yahweh ay umuupo bilang hari sa ibabaw ng baha; si Yahweh ay umuupo bilang hari magpakailanman.
Isaiah 34:4Lahat ng bituin sa kalawakan ay maglalaho, at ang kalawakan ay ibabalumbon gaya ng isang balumbon ng kasulatan; at lahat ng kanilang mga bituin ay maglalaho, gaya ng dahon na nalalagas mula sa patay na puno ng ubas, at gaya ng labis na hinog ng mga igos mula sa puno ng igos.
Isaiah 44:6Ito ang sinasabi ni Yahweh - ang Hari ng Israel at kaniyang Manunubos, Yahweh ng mga hukbo: “Ako ang una, at ako ang huli; walang ibang Diyos kundi ako.
Isaiah 51:6Itaas ninyo ang inyong mga mata sa himpapawid, at tingnan ninyo ang lupa sa ibaba, dahil maglalaho ang kalangitan tulad ng usok, masisira ang mundo tulad ng damit, at mamamatay ang mga naninirahan dito na parang mga langaw. Pero ang aking kaligtasan ay magpapatuloy magpakailanman, at ang aking katuwiran ay hindi titigil na kumilos.
Isaiah 65:17Kaya masdan ninyo, malapit na akong lumikha ng bagong langit at bagong lupa, at ang nakaraang mga bagay ay hindi na maaalala o maiisip.
Mark 13:31Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking salita ay hinding-hindi lilipas.