Mga Hebreo 10:27
Sa halip, mayroon lamang tiyak na inaasahang nakakatakot na hatol at nagngangalit na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:43Magdiwang, kayong mga bansa, kasama ng mga tao ng Diyos, dahil ipaghihiganti niya ang dugo ng kaniyang mga lingkod; Maghihiganti siya sa kaniyang mga kaaway, at gagawa siya ng kabayaran ng kasalanan para sa kaniyang lupain, para sa kaniyang mga tao.
Psalms 21:9Sa panahon ng iyong galit; susunugin mo sila na parang nasa maalab na pugon. Lilipulin sila ni Yahweh sa kaniyang matinding galit, at lalamunin sila ng apoy.
Isaiah 26:11Yahweh, nakataas ang iyong kamay, pero hindi nila ito napapansin. Pero makikita nila ang iyon kasigasigan para sa mga tao at sila ay mapapahiya, dahil ang apoy ng iyong mga kaaway ay lalamunin sila.
Jeremiah 4:4Maging tuli kay Yahweh at alisin ninyo ang kasamaang bumabalot sa inyong puso, mga kalalakihan ng Juda at mga naninirahan sa Jerusalem, kung hindi, lalabas ang aking galit gaya ng apoy at sunog na walang sinumang makapapatay nito. Mangyayari ito dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.
Ezekiel 38:19Sapagkat inihayag ko ito sa alab ng aking galit at sa nag-aapoy kong poot: tiyak na magkakaroon ng isang napakalakas na lindol sa araw na iyon sa lupain ng Israel.
Hosea 10:8Ang mga dambana ng kasamaan—ang kasalanan ng Israel—ay mawawasak. Tutubo ang mga tinik at mga dawag sa kanilang mga altar. Sasabihin ng mga tao sa mga bundok, “Takpan ninyo kami!” at sa mga burol, “Bumagsak kayo sa amin!”