Mga Hebreo 5:1
Sapagkat bawat pinaka-punong pari, na pinili mula sa mga tao, ay itinalaga upang gumanap para sa kanila sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang siya ay maaaring makapag-alay ng mga kaloob at mga handog para sa mga kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 28:1Tawagin mo ang iyong kapatid na si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar mula sa mga Israelita para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
Leviticus 8:2“Isama mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, ang mga kasuotan at ang langis na pampahid, ang toro para sa mga paghahandog sa kasalanan, ang dalawang lalaking tupa, at ang basket ng tinapay na walang pampaalsa.
Leviticus 9:15Idinulog ni Aaron ang alay ng mga tao-isang kambing, pagkatapos kinuha ito bilang alay para sa kanilang kasalanan at pinatay ito; inialay niya ito para sa kasalanan, gaya ng kaniyang ginawa sa unang kambing.
Numbers 18:1Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Ikaw at ang iyong mga anak na lalaki, at ang mga angkan ng iyong mga ninuno ang may pananagutan sa lahat ng kasalanang kanilang nagawa laban sa santuwaryo. Ngunitt ikaw lamang at ang iyong mga anak na lalaking kasama mo ang may pananagutan sa lahat ng mga kasalanang nagawa ng sinuman sa pagkapari.
Hebrews 7:27Hindi siya nangangailangan, di tulad ng mga pinaka-punongpari, na mag-alay ng handog araw-araw, una para sa kaniyang sariling kasalanan, at pagkatapos para sa kasalanan ng mga tao. Ginawa niya ito nang minsanan para sa lahat, nang inialay niya ang kaniyang sarili.
Hebrews 9:9Isa itong paglalarawan sa kasalukuyang panahon. Parehong walang kakayahang gawing ganap ng mga kaloob at mga handog ang budhi ng mga sumasamba.