Isaiah 44:18
Hindi nila nalalaman, ni naiintindihan, dahil ang kanilang mga mata ay bulag at hindi nakakakita, at ang kanilang mga puso ay hindi nakakaunawa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 92:6Hindi alam ng malupit na tao, ni maiintindihan ng hangal:
Proverbs 28:5Ang mga masasamang tao ay hindi naiintindihan ang katarungan, ngunit sila na naghahanap kay Yahweh ay naiintindihan ang lahat ng bagay.
Isaiah 6:9Sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga taong ito, makinig man kayo, hindi kayo makauunawa; tumingin man kayo, hindi kayo makakikita.
Isaiah 29:10Dahil ibinuhos sa inyo ni Yahweh ang espiritu ng mahimbing na tulog. Isinara niya ang inyong mga mata, mga propeta, at tinakpan ang inyong mga ulo, mga manghuhula.
Isaiah 44:20Para bang siyang kumakain ng abo; ang kaniyang nadayang puso ay niligaw siya. Hindi niya mailigtas ang kaniyang sarili, ni masabi, “Ang bagay na ito sa aking kanang kamay ay isang bulaang diyos.”
Isaiah 46:7Pinapasan nila ito sa balikat at dinadala nila ito; inilalagay ito sa kaniyang lugar, at ito ay nakatayo sa kaniyang lugar at hindi gumagalaw mula dito. Tumatawag sila dito, gayun man hindi ito makakasagot ni makapagliligtas ng sinuman sa kanilang kaguluhan.