Hosea 4:16
Sapagkat matigas ang ulo ng Israel, tulad ng isang babaing guya na matigas ang ulo. Paano sila dadalhin ni Yahweh sa pastulan tulad ng mga tupa sa isang malawak na pastulan?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Nakiisa ang Efraim sa mga diyus-diyosan, pabayaan siyang mag-isa.
Cross References
Leviticus 26:33Ikakalat ko kayo sa mga bansa, at bubunutin ko ang aking espada at susundan kayo. Pababayaan ang inyong lupain at magiging sira-sira inyong mga lungsod.
Isaiah 5:17Pagkatapos, ang mga tupa ay kakain tulad ng sa sarili nilang pastulan, at sa mga guho ng mayayaman, ang mga batang tupa ay manginginain ng damo.
Isaiah 22:18Tiyak na paiikot-ikutin ka niya, at itatapon ka sa malayong bansa gaya ng bola. Mamamatay ka roon, at papupunta doon ang dakila mong mga karwahe; magiging kahihiyan ka ng tahanan ng iyong amo!
Jeremiah 3:8Kaya nakita ko na sa lahat ng mga dahilang ito, nangalunya siya. Israel na tuluyang tumalikod! Pinalayas ko siya at binigyan ng mga atas ng pakikipaghiwalay. Ngunit hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda, lumabas at kumilos din siya gaya ng babaing bayaran!
Jeremiah 5:6Kaya isang leon mula sa kasukalan ang sasalakay sa kanila. Isang lobo mula sa Araba ang wawasak sa kanila. Isang nagkukubling leopardo ang darating laban sa kanilang mga lungsod. Ang sinumang lalabas sa kaniyang lungsod ay lalapain. Sapagkat tumindi ang kanilang mga pagkakasala. Ang kanilang kataksilan ay walang hangganan.
Jeremiah 8:5Bakit ang mga taong ito, ang Jerusalem, ay tumalikod ng walang hanggang pagtalikod? Nagpatuloy sila sa pagtataksil at tumangging magsisi.