Hosea 5:9
Magiging isang lagim ang Efraim sa araw ng pagpaparusa. Kabilang sa mga tribo ng Israel na aking ipinahayag kung ano ang tunay na mangyayari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 28:1Kaawaan ang ipinagyayabang na kwintas na bulaklak ng mga lasenggo ng Efraim at sa kumukupas na bulaklak ng kanyang maluwalhating kagandahan, na nasa tuktok ng masaganang lambak ng mga lango sa alak!
Isaiah 46:10Ipinapahayag ko ang wakas mula sa pasimula, at mga bagay na mangyayari na hindi pa nangyayari; Sinasabi ko, “magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng nais kong gawin.”
Isaiah 48:5kaya pinahayag ko ang mga bagay na ito sa simula pa; ipinaalam ko sa inyo bago sila mangyari, para hindi ninyo masasabing, 'Ang aking diyus-diyosan ang gumawa nito,' o 'ang aking inukit na rebulto, o ang aking bakal na rebulto ang nagtalaga ng mga bagay na ito.'
Hosea 5:14Kaya magiging tulad ako ng isang leon sa Efraim, at tulad naman ng isang batang leon naman sa sambahayan ng Juda. Ako, maging ako, ang gugutay at aalis; ako ang mag-aalis sa kanila at walang sinuman ang makapagliligtas sa kanila.
Hosea 8:8Nilunok ang Israel, ngayon nagsinungaling sila sa mga bansa tulad ng walang pakinabang.
Hosea 9:11Patungkol kay Efraim, lilipad na parang ibon ang kanilang kaluwalhatian. Wala nang isisilang, wala nang pagbubuntis at wala nang paglilihi.