Isaiah 7:13
Kaya tumugon si Isaias, “Makinig ka, sambahayan ni David. Hindi pa ba sapat para inyo na subukin ang pagtitimpi ng mga tao? Kailangan mo bang subukin din ang pagtitimpi ng aking Diyos?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Pero sinabi ni Ahaz, “Hindi ako hihingi, ni hindi susubukin si Yahweh.”
Cross References
Numbers 16:9ito ba ay isang maliit na bagay para sa inyo na inilaan kayo ng Diyos ng Israel mula sa sambayanan ng Israel, upang palapitin kayo sa kaniya, upang magtrabaho sa tabernakulo ni Yahweh, at upang tumayo sa harapan ng sambayanan para maglingkod sa kanila?
2 Chronicles 21:7Gayunman, ayaw ni Yahweh na wasakin ang sambahayan ni David, dahil sa kasunduan na kaniyang ginawa kay David; siya ay nangako na lagi siyang bibigyan ng buhay at ang kaniyang mga kaapu-apuhan.
Isaiah 1:24Kaya, ito ang pahayag ng Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, ang Magiting ng Israel: “Kaawa-awa sila! Maghihiganti ako laban sa mga kaaway ko, at ipaghihiganti ko ang aking sarili laban sa mga kalaban ko;
Isaiah 25:1Yahweh, ikaw ang aking Diyos; dadakilain kita, pupurihin ko ang pangalan mo; dahil gumawa ka ng mga kahanga-hangang bagay, mga bagay na matagal mo nang binalak, sa ganap na katapatan.
Isaiah 63:10Pero sila ay nagrebelde at pinighati ang kanyang Banal na Espiritu. Kaya siya ay naging kaaway nila at nakipaglaban sa kanila.
Jeremiah 6:11Ngunit napuno ako ng matinding poot ni Yahweh. Napagod ako sa pagpipigil nito. Sinabi niya sa akin, “Ibuhos mo ito sa mga bata sa mga lansangan at sa mga pangkat ng mga binata. Sapagkat kukunin ang bawat lalaki kasama ang kaniyang asawa at ang bawat matanda na nabibigatan ng mga taon.