Isaiah 52:2
Pagpagin mo ang mga alikabok mula sa iyong sarili; bumangon ka at umupo, Jerusalem; tanggalin mo ang kadena mula sa iyong leeg, bihag, na anak na babae ng Sion.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 29:4Ibabagsak kayo at magsasalita kayo mula sa lupa; ang pananalita ninyo ay magiging mababa mula sa alabok. Ang tinig ninyo ay magiging tulad ng isang multo mula sa lupa, at ang pananalita ninyo ay magiging napakahina mula sa alabok.
Isaiah 51:14Ang isang nakayuko, magmamadali si Yahweh na pakawalan; hindi siya mamamatay at pupunta sa hukay, maging ang mawalan ng tinapay.
Isaiah 61:1Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin, dahil hinirang ako ni Yahweh para ipahayag ang mabuting balita sa mapagpakumbaba. Sinugo niya ako para pagalingin ang sugatang-puso, para ipahayag ang kalayaan sa mga nakabilanggo, at ang pagbubukas ng bilangguan sa mga nakagapos.
Jeremiah 51:45Umalis kayo sa kaniyang kalagitnaan, aking bayan. Iligtas ninyo ang sarili ninyong buhay mula sa bangis ng aking galit.
Zechariah 2:6Oy! Oy! Tumakas kayo mula sa lupain ng hilaga'— ito ang pahayag ni Yahweh, 'sapagkat ikinalat ko kayo tulad ng apat na hangin sa himpapawid!' Ito ang pahayag ni Yahweh,
Luke 21:24At sila ay babagsak sa pamamagitan ng talim ng espada at sila ay dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa, at ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.