Isaiah 63:5
Naghanap ako pero walang sinuman ang makakatulong. Nagtaka ako na walang makakatulong, pero ang aking sariling bisig ang nagdala sa akin sa katagumpayan at pinalakas ako ng aking matinding galit.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Dahil inaasam-asam ko ang araw ng paghihiganti, at dumating na ang taon para sa aking pagtubos.
Cross References
Psalms 94:16Sino ang babangon para ipagtanggol ako mula sa mga gumagawa ng masama? Sino ang tatayo para sa akin laban sa mga masasama?
Psalms 107:12Ibinaba niya ang kanilang mga puso sa paghihirap; Natisod sila at wala ni isa ang tumulong sa kanila.
Isaiah 41:28Walang sinuman ang nandoon nang ako ay tumingin, walang ni isa sakanila ang makapagbibigay ng mabuting payo, sino, kapag ako ay nagtanong, ang makakasagot.
Isaiah 51:9Gumising ka, gumising ka, damitan mo ng kalakasan ang iyong sarili, bisig ni Yahweh. Gumising ka tulad nung nakaraan, ang mga salinlahi ng mga sinaunang panahon. Hindi ba ikaw ang dumurog sa halimaw ng dagat, ikaw na sumaksak sa dragon?
Isaiah 59:16Nakita niya na wala ng tao, at nagtaka na walang isa man para mamagitan. Kaya ang kaniyang sariling bisig ang nagdala ng kaligtasan para sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay pinalakas siya.
Hosea 1:7Ngunit mahahabag ako sa sambahayan ni Juda, at ako mismo, si Yahweh na kanilang Diyos ang magliligtas sa kanila. Hindi ko sila ililigtas sa pamamagitan ng pana, espada, digmaan, mga kabayo, o ng mga mangangabayo.”