Jeremiah 31:21
Maglagay ka ng mga palatandaan sa daan para sa iyong sarili. Magtayo ka ng mga posteng-patnubay para sa iyong sarili. Ituon mo ang iyong isipan sa tamang landas, ang daan na dapat mong tahakin. Bumalik kayo, birheng Israel! Bumalik kayo sa mga lungsod na ito na pagmamay-ari ninyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:46Sinabi niya sa kanila, “Ituon ang inyong mga isipan sa lahat ng mga salita na aking pinatunayan sa inyo ngayon, para mautusan ninyo ang inyong mga anak na sundin ang mga ito, ang lahat ng mga salita ng batas na ito.
2 Chronicles 11:16Sumunod sa kanila ang mga tao mula sa lahat ng mga tribu ng Israel na itinuon ang kanilang puso na hanapin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Pumunta sila sa Jerusalem upang maghandog kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
Psalms 62:10Huwag kang magtitiwala sa pang-aapi o pagnanakaw; at huwag umasa sa walang kabuluhan na mga kayamanan, dahil wala itong maibubunga; huwag mong itutuon ang iyong puso sa mga ito.
Proverbs 24:32Pagkatapos ay nakita ko at pinag-isipan ito; tumingin ako at nakatanggap ng katuruan.
Isaiah 52:11Umalis kayo, umalis kayo, lumabas kayo roon; huwag kayong humipo ng kahit anong maruruming bagay; umalis kayo sa kaniyang kalagitnaan; dalisayin ninyo ang inyong mga sarili, kayong mga nagdadala ng mga sisidlan ni Yahweh.
Isaiah 62:10Lumabas kayo, lumabas kayo sa mga tarangkahan! Ihanda ang daan para sa bayan! Itayo ito, itayo ang daanang-bayan! Alisin ang mga bato! Magtaas ng isang hudyat na bandera para sa mga bansa!