Joel 1:7
Ginawa niyang katakot-takot na lugar ang aking ubasan at tinalupan ang aking puno ng igos. Binaklas niya ang upak at itinapon ito, ang mga sanga nito ay namuti.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 10:15Tinakpan nila ang ibabaw ng buong lupain sa gayon nagdilim ito. Kinain nila ang bawat halaman na nasa lupain at ang lahat ng bunga ng mga punongkahoy na natira ng ulang may yelo. Walang natirang buhay na berdeng halaman o anumang punongkahoy o halaman sa mga bukid sa lahat ng lupain ng Ehipto.
Isaiah 5:6Pababayaan ko itong nakatiwangwang, at hindi ito mapuputol ni mabubungkal. Pero tutubuan ito ng madawag at matinik na halaman, uutusan ko rin ang mga ulap na hindi magpaulan dito.
Isaiah 32:12Mananangis kayo para sa mga bukid na kaaya-aya, para sa mabungang puno ng mga ubas.
Hosea 2:12Wawasakin ko ang kaniyang mga puno ng ubas at ang kaniyang mga puno ng igos, na sinabi niya, “Ito ang mga kabayarang ibinigay sa akin ng aking mga mangingibig.” Gagawin kong gubat ang mga ito, at kakainin ng mga hayop sa parang ang mga ito.
Amos 4:9“Pahihirapan ko kayo ng pagkalanta at amag. Marami sa inyong mga halamanan, ng inyong mga ubasan, ng inyong mga puno ng igos at olibo—kakainin silang lahat ng balang. Gayunpama'y hindi pa rin kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Malachi 3:11Sasawayin ko ang maninira para sa inyo upang hindi nito sirain ang ani sa inyong lupain; hindi mawawala ang bunga ng mga ubas ninyo sa mga bukid bago ang takdang panahon,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.