The Bible Software
bible.softwareMalachiMalachi 3 › Malachi 3:11

Malachi 3:11

Sasawayin ko ang maninira para sa inyo upang hindi nito sirain ang ani sa inyong lupain; hindi mawawala ang bunga ng mga ubas ninyo sa mga bukid bago ang takdang panahon,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And I will rebuke the devourer for your sakes, and he shall not destroy the fruits of your ground; neither shall your vine cast her fruit before the time in the field, saith the LORD of hosts.

In Context

10Dalhin ang buong ikapu sa silid-imbakan upang may makain sa aking tahanan. At subukan ninyo ako ngayon sa ganito,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga bintana ng langit sa inyo at ibuhos ang mga pagpapala sa inyo, hanggang sa walang sapat na silid na paglagyan nito.

12“Tatawagin ka ng lahat ng mga bansa na pinagpala; sapagkat magiging lupain ka nang kagalakan,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.

Read all of Malachi 3

Cross References

Jeremiah 8:13Ganap ko silang aalisin, ito ang pahayag ni Yahweh, hindi magkakaroon ng mga ubas sa puno ng ubas, ni magkakaroon ng mga igos sa mga puno ng igos. Sapagkat malalanta ang mga dahon at mawawala ang ibinigay ko sa kanila.

Joel 1:7Ginawa niyang katakot-takot na lugar ang aking ubasan at tinalupan ang aking puno ng igos. Binaklas niya ang upak at itinapon ito, ang mga sanga nito ay namuti.

Joel 2:20Aalisin ko ang hilagang mananalakay mula sa inyo at itataboy sila sa tuyo at pinabayaang lupain. Ang unahan ng kanilang hukbo ay pupunta sa silangang dagat at ang kanilang hulihan ay sa kanlurang dagat. Aalingasaw ang baho at masamang amoy nito. Gagawa ako ng mga dakilang bagay.”

Amos 4:9“Pahihirapan ko kayo ng pagkalanta at amag. Marami sa inyong mga halamanan, ng inyong mga ubasan, ng inyong mga puno ng igos at olibo—kakainin silang lahat ng balang. Gayunpama'y hindi pa rin kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”

Habakkuk 3:17Bagaman ang mga puno ng igos ay hindi sumibol at walang bunga mula sa mga puno ng ubas; bagaman ang puno ng olibo ay hindi namunga, at ang mga bukirin ay walang naibibigay na pagkain; bagaman ang kawan ay naihiwalay sa kulungan, at walang baka sa mga kuwadra—

Zechariah 8:12'''Sapagkat maihahasik ang mga butil ng kapayapaan. Mamumunga ang umaakyat na baging ng ubas at ibibigay ng lupain ang ani nito. Ibibigay ng kalangitan ang hamog nito, sapagkat ipapamana ko ang lahat ng mga bagay na ito sa nalalabing mga taong ito.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Malachi 3:11

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Malachi 3:10Malachi 3Malachi 3:12 →