Joel 2:22
Huwag kayong matakot, mga hayop sa parang, sapagkat tutubo ang mga pastulan sa ilang, mamumunga ang mga puno at mamumunga ng maraming ani ang mga puno ng igos at ubas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
21Huwag matakot, lupain, matuwa at magalak sapagkat gumawa si Yahweh ng mga dakilang bagay.
Cross References
Leviticus 26:4Sa gayon bibigyan ko kayo ng ulan sa kapanahunan nito; mapapakinabangan ang lupain at magbibigay ang mga punong kahoy sa bukid ng kanilang mga bunga.
Psalms 36:6Ang iyong katarungan ay gaya ng pinakamataas na mga bundok; ang iyong katarungan ay gaya ng pinakamalalim na dagat. Yahweh, pinangangalagaan mo ang kapwa sangkatauhan at mga hayop.
Psalms 65:13Ang mga pastulan ay dinamitan ng mga kawan; ang mga lambak ay nababalutan ng butil; sumisigaw sila ng kagalakan, at sila ay umaawit.
Psalms 104:11Nagdadala sila ng tubig para sa lahat ng mga hayop sa bukid; napapawi ang pagkauhaw ng mga maiilap na asno.
Psalms 107:35Ginagawa niyang paliguan ang ilang at mga bukal na tubig ang tuyong lupa.
Psalms 147:8Tinatakpan niya ang kalangitan ng mga ulap at hinahanda ang ulan para sa lupa, na nagpapalago ng mga damo sa mga kabunkukan.