Joel 2:23
Matuwa kayo, mga tao ng Zion at magalak kay Yahweh na inyong Diyos. Sapagkat ibibigay niya sa inyo ang ulan ng taglagas sa nararapat na sukat at pabababain ang ulan para sa inyo, ang ulan ng taglagas at ang ulan ng tagsibol katulad noon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
24Mapupuno ng trigo ang mga giikan, aapaw ang mga lalagyan ng bagong alak at langis.
Cross References
Leviticus 26:4Sa gayon bibigyan ko kayo ng ulan sa kapanahunan nito; mapapakinabangan ang lupain at magbibigay ang mga punong kahoy sa bukid ng kanilang mga bunga.
Deuteronomy 28:12Bubuksan ni Yahweh para sa inyo ang kaniyang bahay-imbakan ng kalangitan para magbigay ng ulan para sa inyong lupain sa tamang panahon, at pagpapalain lahat ng gawa ng inyong kamay; magpapahiram kayo sa maraming bansa, pero hindi kayo manghihiram.
1 Kings 8:36makinig ka sa kalangitan at patawarin ang kasalanan ng iyong mga lingkod at ng iyong bayan ng Israel, kung iyong ituturo sa kanila ang tamang bagay kung saan sila dapat lumakad. Magpadala ka ng ulan sa iyong lupain, kung saan mo ibinigay sa iyong bayan bilang pamana.
Job 37:13Ginawa niya ang lahat ng ito na mangyari; minsan nangyayari ito para sa pagtatama, minsan para sa lupain, at minsan bilang mga pagkilos sa katapatan sa tipan.
Psalms 32:11Magalak kay Yahweh, at magalak kayo, kayong mga matutuwid; sumigaw sa galak, ang lahat ng pusong matuwid.
Psalms 95:1O halika, tayo ay umawit kay Yahweh; tayo ay umawit ng may kagalakan para sa bato ng ating kaligtasan.