Judges 10:13
Pero iniwan ninyo akong muli at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan. kaya, hindi ako patuloy na magdadagdag sa mga panahon na iniligtas ko kayo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Yet ye have forsaken me, and served other gods: wherefore I will deliver you no more.
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:15Pero lumaki si Jeshurun na mataba at sumisipa, puno ng taba, matipuno, at makinis. Tinalikuran nila ang Diyos na gumawa sa kanila, at itinanggi nila ang Bato ng kaniyang kaligtasan.
Judges 2:19Pero kapag namatay ang hukom, tatalikod sila at gagawa ng mga bagay na higit na masahol kaysa sa ginawa ng kanilang mga ama. Susunod sila sa ibang mga diyus-diyosan para paglingkuran at sambahin sila. Tumanggi silang isuko ang anumang masasamang gawi nila o ang kanilang mga suwail na paraan.
2 Chronicles 12:5Ngayon, pumunta ang propetang si Semaias kay Rehoboam at sa mga pinuno ng Juda na nagtipun-tipon sa Jerusalem dahil kay Shishak. Sinabi ni Semaias sa kanila, “Ito ang sinasabi ni Yahweh. 'Tinalikuran ninyo ako, kaya ibinigay ko rin kayo sa mga kamay ni Shishak.”'
2 Chronicles 21:10Kaya nagrebelde ang Edom mula sa kapangyarihan ng Juda hanggang sa araw na ito. Sumabay ding naghimagsik ang Libna mula sa kaniyang kapangyarihan, dahil si Jehoram ay tumalikod kay Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno.
Jeremiah 2:19Sinasaway ka ng iyong kasamaan at pinarurusahan ka ng iyong kataksilan. Kaya pag-isipan mo ito, unawain mo na masama at mapait para sa iyo na talikuran ako at hindi na ako katakutan, akong si Yahweh na iyong Diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh, ang Panginoon ng mga hukbo.