Judges 6:4
Inilalagay nila ang kanilang mga sundalo sa lupain at winawasak ang mga pananim, hanggang sa Gaza. Wala silang itinitirang pagkain sa Israel, walang tupa, ni mga baka, o mga asno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 10:19Ang hangganan ng mga Cananeo ay mula sa Sidon, sa direksyon ng Gerar, hanggang sa Gaza, at habang ang isa ay patungong Sodoma, Gomorra, Adma, at Zeboim, hanggang sa Lasha.
Leviticus 26:16—kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ay gagawin ko ito sa inyo: pahihirapan ko kayo ng katakot-takot, sisirain ang mga mata at unti-unting uubusin ang inyong buhay ng mga sakit at lagnat. Magtatanim kayo ng inyong mga binhi para sa wala, dahil ang inyong mga kaaway ang kakain ng bunga ng mga ito.
Deuteronomy 28:31Papatayin ang inyong lalaking baka sa harapan ng inyong mga mata, pero hindi ninyo kakainin ang karne nito; sapilitang kukunin ang inyong asno papalayo mula sa inyong harapan, at hindi na maibabalik sa inyo. Ibibigay ang inyong mga tupa sa inyong mga kaaway, at walang sinuman ang makakatulong sa inyo.
Deuteronomy 28:51Kakainin nila ang anak ng inyong baka at ng bunga ng inyong lupain hanggang hanggang sa kayo ay mawasak. Wala silang ititirang butil para sa inyo, bagong alak, o langis, walang mga anak ng inyong kawan, hanggang sa maidulot nila sa inyo ang pagkakapuksa.
Jeremiah 5:17Kaya mauubos ang inyong ani, gayon din ang inyong mga anak at ang inyong pagkain. Kakainin nila ang inyong mga kawan at baka, kakainin nila ang mga bunga mula sa mga puno ng inyong ubas at mga puno ng igos. Pababagsakin nila sa pamamagitan ng espada ang inyong mga matitibay na lungsod na inyong pinagkakatiwalaan.
Obadiah 1:5Kung pumunta sa iyo ang mga magnanakaw, kung dumating sa gabi ang mga magnanakaw (paano ka nahiwalay!), hindi ba nanakawin lamang nila ang sapat para sa kanilang mga sarili? Kung pumunta sa iyo ang mga mag-aani ng ubas, hindi ba iiwan nila ang mga nalaglag?