Lucas 11:36
Kung ganoon nga, na ang iyong buong katawan ay puno ng liwanag, na walang bahagi nito na nasa kadiliman, ang iyong buong katawan ay magiging tulad ng ilawan na kumikinang ang liwanag sa iyo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
35Samakatuwid kayo ay mag-ingat na ang liwanag na nasa inyo ay hindi kadiliman.
Cross References
Psalms 119:97O iniibig ko ang iyong batas! Ito ang pinagninilayan ko buong araw.
Proverbs 2:1Anak, kung tatanggapin mo ang aking mga salita at paka-ingatan ang aking mga kautusan,
Proverbs 6:23Sapagkat ang mga utos ay isang ilawan, at ang katuruan ay isang liwanag; ang mga pagsaway ng disiplina ay ang mga daan ng buhay.
Isaiah 8:20Kaya inyong ituon ang inyong atensyon sa batas at patotoo! Kapag hindi nila sinabi ang bagay na ito, ito ay dahil wala silang liwanag ng umaga.
Hosea 6:3Kilalanin natin si Yahweh; sikapin nating makilala si Yahweh. Ang kaniyang paglabas ay tiyak na parang bukang-liwayway; darating siya sa atin tulad ng ambon, tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig ng lupain.”
Matthew 13:52At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaya bawat eskriba na naging alagad ng kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na nagmamay-ari ng isang bahay, na naglalabas ng luma at mga bagong bagay mula sa kaniyang kayamanan.”