Lucas 8:47
Nang makita ng babae na hindi niya maitago ang kaniyang ginawa, siya ay lumapit na nanginginig. Habang lumuluhod sa harap ni Jesus, ipinahayag niya sa harap ng lahat ng tao ang dahilan ng paghipo niya sa kaniya at kung paano siya gumaling agad.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 16:4Ginawa ni Samuel ang sinabi ni Yahweh at pumunta sa Bethlehem. Nanginginig ang mga nakakatanda ng lungsod habang sinasalubong siya at sinabi, “Pumarito ka ba para sa kapayapaan?”
Psalms 38:9Panginoon, naiintindihan mo ang masidhing pagnanais ng aking puso at ang aking mga paghihinagpis ay hindi ko maitatago mula sa iyo.
Isaiah 66:2Ang kamay ko ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito; ganoon nilikha ang lahat ng mga ito — ito ang pahayag ni Yahweh. Ang taong sinasang-ayunan ko ay ang mga nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, at nanginginig sa aking salita.
Hosea 13:1“Nang nagsalita si Efraim ay mayroong panginginig. Itinaas niya ang kaniyang sarili sa Israel, ngunit siya ay nagkasala dahil sa pagsamba kay Baal, at namatay siya.
Matthew 28:8At kaagad na umalis ang mga babae sa libingan na may takot at malaking tuwa at nagsitakbo upang sabihin sa mga alagad.
Luke 17:15Nang makita ng isa sa kanila na gumaling siya, bumalik siya nang may malakas na tinig na niluluwalhati ang Diyos.