Matthew 24:22
Maliban na lamang kung paiikliin ang mga araw na iyon, wala ni isa mang laman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, ang mga araw na iyon ay paiikliin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 6:13Manatili man ang ikasampung bahagi ng mga tao roon, muli itong wawasakin; gaya ng isang roble o owk na pinutol at naiwan ang katawan nito, ang banal na binhi naman ay nasa tuod na ito.”
Zechariah 13:8At mangyayari ito sa buong lupain”— ito ang pahayag ni Yahweh— “na ang dalawa sa tatlong bahagi nito ay mahihiwalay! Ang mga taong iyon ay mamatay; ang ikatlong bahagi lamang ang mananatli doon.
Matthew 22:14Sapagkat maraming tao ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili.”
Matthew 24:31Susuguin niya ang kaniyang mga anghel na may malakas na tunog ng trumpeta, at titipunin nila ang lahat ng kaniyang hinirang mula sa apat na mga hangin, mula sa isang dulo ng kalangitan hanggang sa kabilang dulo.
Luke 18:7Ngayon, hindi ba ibibigay din ng Diyos ang katarungan sa kaniyang mga hinirang na dumaraing sa kaniya araw at gabi? Hindi ba siya magiging matiyaga sa kanila?
Romans 11:25Sapagkat hindi ko nais na hindi ninyo alam, mga kapatid, ang hiwagang ito, upang hindi kayo magmarunong sa inyong sariling isipan. Ang hiwagang ito ay nagkaroon sa Israel ng bahagyang katigasan, hanggang sa makapasok ang kabuuan ng mga Gentil.