Zechariah 13:8
At mangyayari ito sa buong lupain”— ito ang pahayag ni Yahweh— “na ang dalawa sa tatlong bahagi nito ay mahihiwalay! Ang mga taong iyon ay mamatay; ang ikatlong bahagi lamang ang mananatli doon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:49Magdadala si Yahweh ng bansa laban sa inyo mula sa malayo, mula sa dulo ng mundo, tulad ng isang agila na lumilipad papunta sa kaniyang biktima, isang bansa na hindi ninyo naiintindihan ang wika;
Isaiah 65:12itatakda ko kayo para sa espada, at lahat kayo ay yuyukod sa magkakatay, dahil nang tumawag ako, hindi kayo sumagot; nang nagsalita ako, hindi kayo nakinig, sa halip, ginawa ninyo kung ano ang masama sa aking harapan, at piniling gawin yung mga hindi nakalulugod sa akin.
Isaiah 66:24Lalabas sila at makikita nila ang mga bangkay ng mga taong nagrebelde laban sa akin, dahil ang mga uod na kakain sa kanila ay hindi mamamatay, at ang apoy na lalamon sa kanila ay hindi maaapula; at ito ay magiging nakakadiri sa buong sangkatauhan.”
Ezekiel 5:2Sunugin ang ikatlong bahagi nito sa apoy sa gitna ng lungsod kapag natapos na ang mga araw ng paglusob. At kunin mo ang ikatlong bahagi ng buhok at ihampas mo ito sa pamamagitan ng espada sa buong palibot ng lungsod. At ikalat ang isang ikatlong bahagi nito sa hangin, at huhugot ako ng isang espada upang habulin ang mga tao.
Daniel 9:27Pagtitibayin niya ang isang kasunduan sa marami sa loob ng isang pito. Sa kalagitnaan ng pito wawakasan niya ang pag-aalay at ang paghahandog. Sa pakpak ng mga kasuklam-suklam darating ang isang tao na siyang gagawa ng pagkasira. Isang ganap na pagwawakas at pagkawasak ang itinakdang ibubuhos sa gumawa ng pagkasira.”
Amos 9:8Tingnan, ang mga mata ng Panginoong Yahweh ay nakatingin sa makasalanang kaharian, at wawasakin ko ito mula sa ibabaw ng lupa, maliban sa sambahayan ni Jacob hindi ko ito lubusang wawasakin — “Ito ang pahayag ni Yahweh.”