Matthew 24:6
Makaririnig kayo ng mga digmaan at mga balita tungkol sa digmaan. Tingnan ninyo na hindi kayo mababalisa, sapagkat kailangang mangyari ang mga ito; ngunit hindi pa ito ang katapusan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 46:1Ang Diyos ang ating kublihan at kalakasan, ang handang tumulong kapag may kaguluhan.
Isaiah 8:12Huwag ninyong tawaging pagsasabwatan ang alinmang tinuturing na pagsasabwatan ng mga taong ito; huwag kang matakot sa kinakatakutan nila, at huwag kang magpasindak.
Isaiah 26:3Nanatili sa iyo ang kaisipan, pananatalihin mo siya sa ganap na kapayapaan, dahil nagtitiwala siya sa iyo.
Jeremiah 4:19Aking puso! Aking puso! Nagdadalamhati ang aking puso. Gulung-gulo ang aking puso. Hindi ako matahimik sapagkat naririnig ko ang tunog ng tambuli, isang hudyat ng labanan.
Jeremiah 8:15Umaasa tayo para sa kapayapaan ngunit walang magiging mabuti. Umaasa tayo sa oras ng kagalingan, ngunit tingnan ninyo, magkakaroon ng kaguluhan.
Ezekiel 7:24Kaya magdadala ako ng pinakamasama sa mga bansa at aangkinin nila ang kanilang mga tahanan at wawakasan ko ang pagmamataas ng makapangyarihan, sapagkat madudungisan ang kanilang banal na mga lugar.