Mateo 24:7
Sapagkat lalabanan ng isang bansa ang kapwa bansa, at kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng mga taggutom at mga lindol sa iba't ibang mga lugar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Ngunit lahat ng mga ito ay simula pa lamang ng sakit ng paghilab ng babaeng manganganak.
Cross References
2 Chronicles 15:6Nagkawatak-watak sila, bansa laban sa bansa at lungsod laban sa lungsod sapagkat pinahirapan sila ng Diyos ng lahat ng uri ng pagdurusa.
Isaiah 19:2“Paglalabanin ko ang mga taga-Ehipto laban sa kapwa taga-Ehipto: lalabanan ng isang tao ang kaniyang kapatid, at ang isang tao laban sa kaniyang kapwa; ang lungsod ay lalaban sa lungsod, at kaharian laban sa kaharian.
Ezekiel 14:21Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: tinitiyak kong magiging malala ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng ipapadala kong apat na kaparusahan—taggutom, espada, mababangis na hayop at salot—laban sa Jerusalem upang patayin ang mga tao at hayop mula sa kaniya.
Joel 2:30Magpapakita ako ng mga kamangha-mangha sa kalangitan at sa lupa ng dugo, apoy at mga haligi ng usok.
Zechariah 14:2Sapagkat titipunin ko ang bawat bansa laban sa Jerusalem para sa isang labanan, at masasakop ang lungsod! Sasamsamin ang mga tahanan at gagawan ng karahasan ang mga kababaihan. Bibihagin ang kalahati ng lungsod, ngunit ang mga matitirang tao ay hindi pupuksain mula sa lungsod.
Luke 21:11Magkakaroon ng mga malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakaroon ng taggutom at mga salot. Magkakaroon ng mga kakila-kilabot na pangyayari at mga dakilang palatandaan mula sa langit.