Nehemias 8:9
Sinabi nina Nehemias, ang gobernador, at si Ezra, ang pari at eskriba, at ang mga Levita na nagbibigay-kahulugan sa mga tao sa kanila, “Ang araw na ito ay banal kay Yahweh na inyong Diyos. Huwag kayong mamighati at umiyak.” Dahil ang lahat ng tao ay umiyak nang marinig nila ang mga salita ng batas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 29:1“Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon. Ito ay magiging isang araw kung kailan hihipan ninyo ang mga trumpeta.
Deuteronomy 12:12Magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong mga anak na lalaki, ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga lingkod na lalaki at ang inyong mga lingkod na babae at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan, dahil wala siyang bahagi o pamana sa inyo.
Deuteronomy 16:14Kayo ay magagalak sa panahon ng pista—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita, ang mga dayuhan, ang mga ulila at ang mga balo na nasa inyo, na nasa loob ng inyong mga tarangkahan.
2 Kings 22:11Noong marinig ng hari ang mga salita ng batas, pinunit niya ang kaniyang mga damit.
2 Chronicles 15:3Ngayon, sa napakahabang panahon, hindi kasama ng Israel ang tunay na Diyos, walang nagtuturong pari at wala ang kautusan ng Diyos.
2 Chronicles 34:19At nangyari nang marinig ng hari ang mga salita ng kautusan, pinunit niya ang kaniyang mga kasuotan.