Numbers 27:17
isang taong maaaring makalabas at makapasok sa harap nila at pangunahan sila palabas at dalhin sila papasok, upang hindi matulad ang iyong sambayanan sa isang tupang walang pastol.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 8:20upang maging tulad kami ng lahat ng ibang bansa, at upang hatulan kami ng aming hari at manguna sa amin at makipaglaban sa aming mga labanan.”
2 Samuel 5:2Sa nakaraang panahon, nang si Saul pa ang hari sa ating lahat, ikaw itong nangunguna sa hukbo ng Israelita. Sinabi ni Yahweh sa iyo, 'Magiging pastol ka ng aking bayan ng Israel, at magiging pinuno ka ng buong Israel.'''
1 Kings 22:17Kaya sinabi ni Micaya, “Nakita ko ang lahat ng mga Israelita na nagkalat sa mga kabundukan, tulad ng mga tupa na walang pastol, at sinabi ito ni Yahweh, 'Walang pastol ang mga ito. Pabakilin ang bawat tao sa kanilang mga tahanan ng payapa.”'
2 Chronicles 18:16Kaya sinabi ni Micaias, “Nakita ko ang lahat ng Israel na nagkalat sa mga bundok gaya ng tupa na walang pastol, at sinabi ni Yahweh, 'Ang mga ito ay walang pastol. Hayaang umuwi ang bawat tao sa kaniyang bahay ng payapa.'”
Zechariah 10:2Sapagkat nagsasabi ng kasinungalingan ang mga diyus-diyosang nasa sambahayan; nagsasabi ang mga manghuhula ng pangitaing kasinungalingan; nagsabi sila ng mga mapanlinlang na mga panaginip at nagbibigay ng aliw na walang kabuluhan. Kaya naliligaw sila na kagaya ng tupa at nagdurusa dahil walang pastol.
Matthew 9:36Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila, dahil sila ay naguguluhan at pinanghihinaan ng loob. Para silang tupang walang pastol.