Mga Awit 33:2
Pasalamatan si Yahweh na may alpa; awitan siya ng mga papuri niya ng may alpa na sampung kuwerdas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Praise the LORD with harp: sing unto him with the psaltery and an instrument of ten strings.
In Context
1Magalak kay Yahweh, kayong mga matuwid; ang papuri ay angkop para sa matuwid.
3Awitan siya ng bagong awit; tumugtog nang mahusay at umawit ng may kagalakan.
Cross References
2 Samuel 6:5Pagkatapos nagsimulang magdiwang si David at ang buong sambahayan ng Israel sa harapan ni Yahweh, nagdiriwang gamit ang mga instrumentong gawa sa pinong kahoy, mga alpa, mga kudyapi, mga tamburin, mga kalansing, at mga pompyang.
1 Chronicles 15:28Kaya dinala ng lahat ng Israel ang kaban ng tipan ni Yahweh na may masayang hiyawan at may tunog ng mga tambuli, mga pompiyang at mga instrumentong may kuwerdas at mga alpa.
1 Chronicles 25:6Lahat sila ay nasa patnubay ng kanilang mga ama. Sila ay mga musikero sa tahanan ni Yahweh, na may mga pompiyang at instrumentong may kuwerdas habang sila ay naglilingkod sa tahanan ng Diyos. Sina Asaf, Jeduthun at Heman ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng hari.
Psalms 81:2Umawit at tumugtog ng tamburin, ng kaaya-ayang lira kasama ng alpa.
Psalms 92:3na may alpa na may sampung kuwerdas at may himig ng lira.
Psalms 98:4Sumigaw kay Yahweh ng may kagalakan, buong daigdig; isambulat sa awit at umawit ng may kagalakan, umawit ng mga papuri.