Revelation 13:2
Itong halimaw na nakita ko ay parang isang leopardo. Ang kaniyang mga paa ay tulad ng mga paa ng isang oso, at ang kaniyang bibig ay tulad ng bibig ng isang leon. Ibinigay ng dragon ang kapangyarihan nito sa kaniya, at ang kaniyang trono, at ang kaniyang lubos na kapangyarihan para mamuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 17:34Pero sinabi ni David kay Saul, “Isang tagapangalaga ng tupa ng kanyang ama ang iyong lingkod. Kapag dumating ang isang leon o oso at kinuha ang isang kordero sa kawan,
Psalms 22:21Iligtas mo ako mula sa bibig ng leon; iligtas mo ako mula sa mga sungay ng mababangis na toro.
Proverbs 28:15Katulad ng isang umaatungal na leon o isang lumulusob na oso ang isang masamang pinuno sa lahat ng mga dukha.
Jeremiah 5:6Kaya isang leon mula sa kasukalan ang sasalakay sa kanila. Isang lobo mula sa Araba ang wawasak sa kanila. Isang nagkukubling leopardo ang darating laban sa kanilang mga lungsod. Ang sinumang lalabas sa kaniyang lungsod ay lalapain. Sapagkat tumindi ang kanilang mga pagkakasala. Ang kanilang kataksilan ay walang hangganan.
Daniel 7:4Ang una ay tulad ng isang leon ngunit mayroong mga pakpak ng agila. Habang ako ay nagmamasid, natanggal ang mga pakpak nito at iniangat ito mula sa lupa at pinatayo sa dalawang paa tulad ng tao. Ibinigay rito ang pag-iisip ng isang tao.
Hosea 13:7Naging tulad ako ng isang leon sa kanila; tulad ng isang leopardo, ako ay magbabantay sa tabi ng daan.