Romans 11:16
Kung ang mga unang bunga ay nailaan, gayon din ang buong masa. Kung ang mga ugat ay nailaan, gayon din ang mga sanga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
For if the firstfruit be holy, the lump is also holy: and if the root be holy, so are the branches.
In Context
Cross References
Genesis 17:7Magtatatag ako ng tipan sa pagitan natin at sa iyong mga magiging kaapu-apuhan, hanggang sa kanilang buong salinlahi, para sa isang walang hanggang tipan, na ako ang magiging Diyos mo at ng mga susunod mong mga kaapu-apuhan.
Exodus 23:16Dapat ipagdiwang mo ang Pista ng Pag-aani, ang unang mga bunga ng iyong pinagtrabahuhan nang nagtanim ka ng buto sa iyong bukirin. At saka dapat mong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa katapusan ng taon, kapag nalikom ninyo ang iyong inani mula sa bukirin.
Leviticus 23:10“Kausapin mo ang mga bayan ng Israelita at sabihin sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa loob ng lupain na ibibigay ko sa inyo, at kapag ginapas ninyo ang ani nito, sa gayon dapat dalhin ninyo sa pari ang isang tali ng mga unang prutas nito.
Deuteronomy 18:4Ang mga unang bunga ng inyong butil, ng inyong bagong alak, at ng inyong langis, at ang unang balahibo ng inyong tupa, dapat ninyong ibigay sa kaniya.
Nehemiah 10:35Pinangako namin na magdadala sa tahanan ni Yahweh ng mga unang bunga na tumubo sa aming lupain, at ng unang bunga ng bawat puno sa bawat taon.
Jeremiah 2:21Ngunit ako mismo ang nagtanim sa iyo bilang isang piniling puno ng ubas, na isang tunay na binhi. Ngunit papaanong nagbago ka sa akin, isang hindi tapat mula sa ibang puno ng ubas!