Romans 11:26
Kaya ang lahat ng Israel ay maliligtas, gaya ito ng nasusulat: “Mula sa Sion manggagaling ang Tagapagligtas. Tatanggalin niya ang kasamaan mula kay Jacob.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
27At ito ang magiging kasunduan ko sa kanila, kapag tinanggal ko ang kanilang mga kasalanan.”
Cross References
Psalms 14:7Oh, ang kaligtasan ng Israel ay manggagaling mula sa Sion! Kapag binalik ni Yahweh ang kaniyang bayan mula sa pagkakabihag, magagalak si Jacob at matutuwa ang Israel!
Isaiah 11:11Sa araw na iyon, muling iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay para mabawi ang nalabi sa kaniyang mga tao sa Asiria, Ehipto, Patros, Etiopia, Elam, Sinar, Hamat, at mga isla sa karagatan.
Isaiah 54:6Dahil tinatawag kayo muli ni Yahweh bilang asawa napabayaan at nagdadalamhati sa espiritu, gaya ng isang babaeng maagang nag-asawa at itinakwil, Ang sabi ng iyong Diyos.
Jeremiah 3:17Sa oras na iyon ihahayag nila ang tungkol sa Jerusalem, 'Ito ang trono ni Yahweh at magtitipon ang lahat ng bansa sa Jerusalem sa ngalan ni Yahweh. Hindi na sila maglalakad sa katigasan ng kanilang mga masasamang puso.
Jeremiah 31:31Tingnan mo, paparating na ang mga araw. Ito ang pahayag ni Yahweh. Kapag magtatatag ako ng isang bagong kasunduan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.
Jeremiah 33:24“Hindi mo ba isinaalang-alang ang ipinahayag ng mga taong ito nang sabihin nila, 'Ang dalawang angkan na pinili ni Yahweh, ngayon sila ay tinanggihan niya? Sa paraang ito, hinamak nila ang aking mga tao, sinasabi na hindi na sila isang bansa sa kanilang paningin.