Titus 1:7
Kinakailangan para sa tagapangasiwa, bilang tagapamahala ng sambahayan ng Diyos, ay walang kapintasan. Hindi dapat matabil at walang pagpipigil sa sarili. Hindi madaling magalit, hindi lulon sa alak, hindi isang palaaway, at hindi isang taong sakim.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 10:9“Huwag uminom ng alak o matapang na inumin, ikaw, ni ang iyong mga anak na lalaki na natitirang kasama mo, para kapag pumasok ka sa tolda ng pagpupulong hindi kayo mamatay. Ito ay permanenteng batas sa buong salinlahi ng iyong mga mamamayan,
Proverbs 15:18Ang galit na tao ay pumupukaw ng mga pagtatalo, pero ang taong matagal magalit ay pinapayapa ang isang alitan.
Proverbs 31:4Hindi ito para sa mga hari, Lemuel, hindi para sa mga hari ang uminom ng alak, ni para sa mga namumuno ang magtanong, “Nasaan ang matapang na inumin?
Isaiah 28:7Pero kahit na ang mga ito ay humahapay-hapay sa alak, at nagpapasuray-suray sa inuming matapang. Ang pari at ang propeta ay humahapay-hapay sa malakas na alak, at nalululon sila ng alak. Nagpapasuray-suray sila sa malakas na alak, nagsusuray-suray sa pangitain at humahapay-hapay sa pagpasya.
Ezekiel 44:21Walang pari ang maaaring uminom ng alak kapag pumunta siya sa panloob na patyo,
Luke 12:42Sinabi ng Panginoon, “Sino ngayon ang tapat at matalinong tagapamahala na itatakda ng kaniyang panginoon para sa ibang lingkod upang ibigay sa kanila ang kanilang bahagi ng pagkain sa tamang panahon?