Zephaniah 1:13
Nanakawin ang kanilang mga kayamanan at hahayaang ganap na mawasak ang kanilang mga bahay! Magtatayo sila ng mga bahay ngunit hindi maninirahan sa mga ito at magtatanim sila ng mga ubasan ngunit hindi iinom ng alak nito!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:30Ipagkakasundo kayo sa isang babae, pero kukunin siya ng ibang lalaki at pipilitin siyang sumiping sa kaniya. Magtatayo kayo ng isang bahay pero hindi maninirahan doon; magtatanim kayo ng isang ubasan pero hindi matatamasa ang bunga nito.
Deuteronomy 28:51Kakainin nila ang anak ng inyong baka at ng bunga ng inyong lupain hanggang hanggang sa kayo ay mawasak. Wala silang ititirang butil para sa inyo, bagong alak, o langis, walang mga anak ng inyong kawan, hanggang sa maidulot nila sa inyo ang pagkakapuksa.
Isaiah 6:11Pagkatapos sinabi ko, “Panginoon, hanggang kailan?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod at mawalan ng naninirahan dito, at mawalan ng tao ang mga bahay, at nakatiwangwang ang lupain,
Isaiah 65:21Magtatayo sila ng mga bahay at titirahan ang mga ito, magtatanim sila sa mga ubasan at kakainin ang mga bunga nito.
Jeremiah 4:20Pagkagiba pagkatapos ng pagkagiba ang inihayag, sapagkat biglang nawasak ang lahat ng lupain. Bigla nilang winasak ang aking tabernakulo at ang aking tolda.
Jeremiah 9:11Kaya gagawin kong bunton ng pagkasira ang Jerusalem, isang taguan ng mga asong-gubat. Gagawin kong mga wasak na lugar ang mga lungsod ng Juda na walang maninirahan.