Isaiah 39:6
'Masdan mo, darating ang araw na ang lahat sa iyong kaharian, mga bagay na itinabi ng iyong ninuno hanggang sa mga panahong ito, ay dadalahin sa Babilonia. Walang matitira, sabi ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5Pagkatapos sinabi ni Isaias kay Hezekias, “Makinig ka sa salita ni Yahweh ng mga hukbo:
Cross References
2 Kings 24:13Kinuha mula roon ni Nebucadnezar ang lahat ng mga mahahalagang bagay sa tahanan ni Yahweh, at ang mga nasa palasyo ng hari. Pinira-piraso niya ang lahat ng mga gintong bagay na ginawa ni Solomon hari ng Israel sa templo ni Yahweh, gaya ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.
2 Chronicles 36:10Noong tagsibol, nagpadala si Haring Nebucadnezar ng mga kalalakihan at dinala siya sa Babilonia, kasama ng mga mahahalagang bagay mula sa tahanan ni Yahweh at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang kaniyang kamag-anak na si Zedekias.
Jeremiah 20:5Ibibigay ko sa kaniya ang lahat ng karangyaan at lahat ng kasaganaan ng lungsod na ito, lahat ng mahahalagang bagay at lahat ng kayamanan ng mga hari ng Juda. Ilalagay ko ang mga bagay na ito sa kamay ng inyong mga kaaway at sasamsamin nila ang mga ito. Kukunin nila ang mga ito at dadalhin sa Babilonia.
Jeremiah 52:17Ang mga posteng tanso naman na nasa tahanan ni Yahweh, at ang mga patungan at ang dagat na tanso na nasa tahanan ni Yahweh, sinira at dinurog ng mga Caldea sa malilit na piraso ang tanso at dinala sa Babilonia.
Daniel 1:2Binigyan ng Panginoon si Nebucadnezar ng katagumpayan laban kay Jehoiakim na hari ng Juda at ibinigay sa kaniya ang ilan sa mga sagradong bagay mula sa tahanan ng Diyos. Dinala niya ang mga ito sa lupain ng Babilonia, sa tahanan ng kaniyang diyos at inilagay ang sagradong mga bagay sa kabang-yaman ng kaniyang diyos.