The Bible Software
bible.softwareJoelJoel 2 › Joel 2:26

Joel 2:26

Kakain kayo nang sagana at mabubusog, at pupurihin ninyo ang pangalan ni Yahweh na inyong Diyos na gumawa ng mga kamangha-mangha sa inyo at hindi ko na muling ilalagay sa kahihiyan ang aking bayan.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And ye shall eat in plenty, and be satisfied, and praise the name of the LORD your God, that hath dealt wondrously with you: and my people shall never be ashamed.

In Context

25“Ibabalik ko sa inyo ang mga taon ng mga pananim na kinain ng napakaraming nagliliparang mga balang, ng mga malalaking balang, ng mga tipaklong, at ng mga uod, ang aking malakas na hukbo na aking ipinadala sa inyo.

27Malalaman ninyo na ako ay nasa Israel, na ako si Yahweh na inyong Diyos, at wala ng iba, at hindi ko na muling ilalagay sa kahihiyan ang aking bayan.

Read all of Joel 2

Cross References

Genesis 33:11Pakiusap tanggapin mo ang aking mga regalong dinala ko sa iyo, dahil malugod akong pinakitunguhan ng Diyos, at dahil mayroon na akong sapat.” Kaya pinilit siya ni Jacob, at tinanggap naman ito ni Esau.

Leviticus 26:5Magpapatuloy ang inyong paggiik hanggang sa panahon ng aning ubas at aabot ang aning ubas hanggang sa panahon ng pagtatanim. Kakainin ninyo ang inyong tinapay ng sagana at mamumuhay ng ligtas sa ginawa ninyong tahanan sa lupain;

Deuteronomy 6:11at mga bahay na puno sa lahat ng uri ng mabubuting mga bagay na hindi mo ginawa, mga balon na hindi ninyo hinukay, at mga ubasan at kahoy ng mga olibo na hindi ninyo itinanim, makakakain kayo at masisiyahan—

Deuteronomy 12:7Kakainin ninyo roon sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos at magsasaya tungkol sa lahat ng mga bagay na inyong ginagawa, kayo at ang inyong mga sambahayan, kung saan kayo ay pinagpala ni Yahweh na inyong Diyos.

Deuteronomy 12:18Sa halip, kakainin ninyo ang mga ito sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong anak na lalaki, anak na babae, ang mga lingkod na lalaki, mga lingkod na babae, at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan; magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa lahat ng bagay kung saan inilagay ninyo ang inyong kamay.

Nehemiah 9:25Nasakop nila ang mga matatatag na lungsod at masaganang lupain, at nasakop nila ang mga bahay na puno ng lahat ng mabubuting bagay, ang mga balon ay nahukay na, ang mga ubasan at halamanan ng olibo, at punong prutas ay nananagana. Kaya sila ay kumain, nabusog, nasiyahan, at labis na natuwa sa kanilang mga sarili dahil sa iyong dakilang kabutihan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Joel 2:26

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Joel 2:25Joel 2Joel 2:27 →