Mark 11:33
Pagkatapos ay sinagot nila si Jesus at sinabi, “Hindi namin alam.” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ko ginagawa ang mga bagay na ito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Proverbs 26:4Huwag sagutin ang isang hangal at sumali sa kanyang kahangalan, o magiging tulad ka niya.
Isaiah 6:9Sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga taong ito, makinig man kayo, hindi kayo makauunawa; tumingin man kayo, hindi kayo makakikita.
Isaiah 42:19Sino ang bulag kundi ang aking lingkod? O bingi gaya ng mensaherong aking pinadala? Sino ang kasing bulag gaya ng aking tipan ng kasunduan, o bulag gaya ng lingkod ni Yahweh?
Jeremiah 8:7Kahit ang ibon sa langit, mga kalapati, mga layang-layang at ang mga tagak ay nalalaman ang mga tamang panahon. Pumupunta ang mga ito sa kanilang mga paglilipatan sa tamang panahon ngunit hindi alam ng aking mga tao ang mga atas ni Yahweh.
Malachi 2:7Sapagkat ang labi ng pari ay dapat ingatan ang kaalaman at dapat sumangguni ang mga tao ng tagubilin sa kaniyang bibig, sapagkat siya ang aking mensahero, ako si Yahweh ng mga hukbo.
Matthew 16:4Maghahanap ng palatandaan ang mga masama at mapang-apid na salinlahi, ngunit walang maibibigay na palatandaan sa kanila maliban sa palatandaan ni Jonas.” Pagkatapos ay iniwan sila ni Jesus at umalis.